Substitution ni Cardema sa Duterte Youth aprub sa Comelec
MANILA, Philippines — Tinanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ng Duterte Youth Party-list na ipalit bilang Representative ng nasabing partylist si dating youth commissioner Ronald Cardema.
“The substitution of Ronald Cardema as Duterte Youth nominee has been approved, with one Commissioner dissenting and one abstention,” ani Comelec spokesman James Jimenez.
Sa ilalim ng Party-list System Act kinakailangan ang nominee ng youth sector ay 30 years pataas. Si Cardema ay 33.
Ang withdrawal documents na inihain ng limang nominees ng Duterte Youth ay alinsunod sa party-list laws.
Matatandaang naghain ng withdrawal ang 5 nominees kabilang ang misis ni Cardema na si Ducielle noong Mayo 12. Agad din namang naghain noon ng substitution si Cardema.
- Latest