^

Bansa

Speaker ‘di dapat bagito - analyst

Pilipino Star Ngayon
Speaker ‘di dapat bagito - analyst
Sinabi ni Dr. Paul Martinez, mainit ngayon ang labanan para sa susunod na Speaker at dalawa na lang ang pagpipilian na sina Cong. Martin Romualdez at Cong. Lord Allan Velasco.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hindi dapat bagito na madaling i-kudeta ang susunod na Speaker ng House of Representative, ayon sa isang political analyst at public opinion expert.

Sinabi ni Dr. Paul Martinez, mainit ngayon ang labanan para sa susunod na Speaker at dalawa na lang ang pagpipilian na sina Cong. Martin Romualdez at Cong. Lord Allan Velasco.

Sa panayam ng ilang kilalang congressmen, mahihirapan si Cong. Velasco dahil “bagito” at madali umanong ma-“kudeta” kung siya ang magiging Speaker. 

“Napakaraming legislative agenda sa Kamara at mahihirapan ang isang “bagito” para itulak ito sa isang termino. Hindi madali sungkitin ang Speakership, pero mas mahirap ang pamumuno at kung hindi ka respetado, mahina ka, at kung hindi ka pa subok sigurado makudeta agad,” sabi ni Dr. Martinez.

Aniya, malaking papel ang gagampanan ng magi­ging House Speaker sa bansa dahil maraming “big time” legislative agenda si President Duterte sa natitirang 3 years na maitulak sa Kamara.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga kilalang negosyante sa bansa kay Cong. Martin Romualdez dahil sa tingin nila maganda para sa “ekonomiya” ang subok na at hindi “bagito” na mambabatas para maging Speaker.

HOUSE OF REPRESENTATIVE

HOUSE SPEAKERSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with