^

Bansa

Bullying sa paaralan tututukan ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bullying sa paaralan tututukan ng PNP
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, bubuo sila ng Task units na tututok sa pambu-bully, kasabay na rin ng iba pang mga problema sa mga paaralan tulad ng kidnapping sa mga mag-aaral, bomb-scare, at iba pang mga banta na maaring ikapahamak ng mga estudyante.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Babantayan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mga pambu-bully sa mga paaralan kaugnay ng pagbubukas ng klase sa Hunyo 3.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, bubuo sila ng Task units na tututok sa pambu-bully, kasabay na rin ng iba pang mga problema sa mga paaralan tulad ng kidnapping sa mga mag-aaral, bomb-scare, at iba pang mga banta na maaring ikapahamak ng mga estudyante. 

Nasa 120,000 pulis ang idedeploy ng PNP sa mga lansangan patungo sa mga paaralan para sa kaligtasan ng milyong mag-aaral.

Una rito, ibinaba ng PNP sa normal status mula sa full alert status ang buong bansa maliban sa Mindanao kung saan umiiral ang martial law.

Tiniyak ng PNP chief na magiging agresibo pa rin at “intelligence driven” ang kanilang mga focused police ope­rations laban sa mga kriminal, terorista at lawless elements, partikular ngayong panahon ng pagbabalik eskuwela ng mga estudyante.

BULLYING

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with