Tag-ulan, papasok na sa first week ng Hunyo
MANILA, Philippines — Inaasahan na ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa unang linggo ng Hunyo.
Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Flaviana Hilario, bagamat may mga pag-uulan na nararanasan ngayon sa bansa partikular sa Metro Manila, hindi pa rin sapat na criteria para ideklara ang rainy season.
Anya, para masabing tag-ulan na, kailangang ang dami ng ulan na naitatala sa kanlurang bahagi ng bansa ay aabot ng hanggang 25 millimeters sa loob ng limang araw at ang habagat ay dapat na maging dominant wind system.
Sa Hunyo, ang mga pag-uulan sa pangkalahatang bahagi ng bansa ay normal maliban sa Apayao, bahagi ng Ilocos region, Cagayan, Tarlac at Zambales na nakakaranas ng below normal conditions ng pag-ulan.
Sa Hulyo, normal din ang kondisyon ng pag-uulan sa Luzon at Visayas at below normal naman sa maraming bahagi ng Mindanao at southern Visayas.
Umaasa rin ang PAGASA na dahil sa pagpasok ng rainy season ay tataas na ang water level sa mga dam sa bansa.
- Latest