MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Duterte na non-working holiday ang Hunyo 5 bilang pagdiriwang ng mga Muslim sa buong bansa ng Eid’l Fitr.
Nakasaad ito sa pinirmahang Proclamation 729 ng Pangulo kaugnay sa observance ng Eid’l Fitr.
Ang dalawang opisyal ay magkasama sa bansang Japan para sa 4-day working visit ng Pangulo.
Ang Eid’l Fitr ay ang pagtatapos ng Ramadan na isang religious festival na inoobserba ng mga Muslim sa buong mundo.
Noong 2002 ay naging batas ang Republic Act No. 9177 na nag-aatas ng pakikibahagi ng bansa sa selebrasyon ng Eid’l Fitr kung saan ang eksaktong petsa ng observance kada taon ay depende sa Muslim calendar.