^

Bansa

Bill sa OFW hospital aprub

Jess Diaz - Pilipino Star Ngayon
Bill sa OFW hospital aprub
Magkatuwang na pinagtibay ng House committee on health at ng Committee on Appropriations ang House Bill 9194 na pangunahing akda ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Nitong Martes, inaprubahan ng House committee on Ways and Means ang tax provision ng bill.

MANILA, Philippines — Inaprubahan kamakalawa ng tatlong komite ng House of Representatives ang panukalang batas na magtatatag ng isang ospital para sa mga overseas Filipino worker at kanilang mga dependent.

Magkatuwang na pinagtibay ng House committee on health at ng Committee on Appropriations ang House Bill 9194 na pangunahing akda ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.  Nitong Martes, inaprubahan ng House committee on Ways and Means ang tax provision ng bill.

Sa ilalim ng panukala, isang pagamutang tatawaging OFW Hospital ang ipapagawa para tumugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga migranteng manggagawang Pilipino at ng kanilang mga pamilya.

Ang ospital ay pamamahalaan ng Department of Health at pangunahing referral hospital para sa mga OFW na pinabalik sa Pilipinas at nangangailangan ng medical assistance at support.

Ang naturang ospital din ang magsasagawa ng mga medical examinations para matiyak na nasa maayos na kalusugan ang OFW na magtatrabaho sa ibang bansa.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

OFW HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with