MANILA, Philippines — Kinondena ng grupong Gabriela ang isa na namang rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga nagsipagtapos na kadete ng Philippine Military Academy “Mabalasik” Class 2019 sa Baguio City kahapon.
Ayon sa Gabriela, “bastos,” ”macho-pasista” at “misogynist” ang pabirong pahayag ni Duterte.
GABRIELA slams Duterte’s latest rape joke
“Walang kadala-dala itong bastos na Presidente. Matapos ng matagal na pagkawala sa mata ng publiko, magpapakita siya at maghahasik na naman ng kabastusan. " pic.twitter.com/fWokCrLEMa— GABRIELA (@gabrielaphils) May 26, 2019
“Walang kadala-dala itong bastos na Presidente. Matapos ng matagal na pagkawala sa mata ng publiko, magpapakita siya at mahahasik na naman ng kabastusan,” sabi ni Joms Salvador, secretary general ng Gabriela.
Ang nasabing pahayag ay binitiwan habang nagbibigay ng pardon ang pangulo sa mga estudyante ng PMA na nagkasala. Pabirong ipinahayag ng pangulo na kasama ang rape sa mga krimeng ito.
“The number one is for rape. (P**** i***). Ang number two is drugs with rape with robbery. Para sa Muntinlupa ito. Pangatlo multiple rape of the women of Baguio, the beautiful ones,” sabi ni Duterte.
Pabiro ring nagtanong ang pangulo kung sino ang mga nagkasala at sinabing itaas ang kanilang mga kamay.
“Para ring pulis ha. Natuto na kayo sa pulis ayaw mag-admit. Well, anyway I’ll pass you this time because I need good and capable soldiers and I know that one or two is bound to happen. Pero patawarin ko kayo,” dagdag ng pangulo.
Sabi ng Gabriela, inaabswelto imbis na panagutin ng pangulo ang mga sundalong nakagawa ng kasalanan.
“No wonder there’s impunity within the military and police — you can get away with offenses big and small as long as you follow the Commander-in-Chief’s orders,” sabi ni Salvador.
(Kaya walang pakundangan ang impunity sa sundalo at pulis — nakakatakas sa mga maliliit at malalaking pagkakasala basta sumunod sa Commander-in-Chief.)
Sabi ni presidential spokesperon Salvador Panelo, nagpapatawa lang daw ang pangulo at kinasanayan na daw ito ng mga nakikinig sa kanyang mga talumpati. — Philstar.com intern Edelito Mercene Jr.