^

Bansa

‘Trillanes makukulong’- Palasyo

Tina Mendez - Pilipino Star Ngayon
âTrillanes makukulongâ- Palasyo
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na, sa paglisan ni Trillanes sa Senado sa katapusan ng Hunyo sa taong ito, mahaharap ito sa kaso at maaaring makulong.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinalutang kahapon ng Malakanyang ang posibilidad na makulong si outgoing Senator Antonio Trillanes IV na utak umano ng “Ang Totoong Narcolist” video.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na, sa paglisan ni Trillanes sa Senado sa katapusan ng Hunyo sa taong ito, mahaharap ito sa kaso at maaaring makulong.

Ayon kay Panelo, hindi imposibleng mu­ling makulong si Trillanes matapos bumaligtad si Peter Joemel “Bikoy” Advincula at ituro ang senador bilang nasa likod ng black propaganda laban sa admi­nistrasyon.

Inihayag ni Panelo na noon ay puring-puri ni Trillanes ang video ni Bikoy laban kina Pangulong Rodrigo Duterte, ilang miyembro ng pamilya Duterte at Senator-elect Bong Go pero nang ituro siya ng self-confessed black propagandist, bigla raw itong hugas-kamay at itinanggi ang alegasyon.

Pinuna ni Panelo na matagal nang nagpapakalat si Trillanes ng maling impormasyon at paninira laban kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito.

Ayon pa sa taga­pag­salita, ang tagum­pay kamakailan sa eleksyon ng mga kandidatong inindorso ni Pangulong Duterte ay nagpatunay na kasinungalingan ang mga katiwaliang ipinaparatang ng senador laban sa Punong Ehekutibo.

Sinabi pa ni Panelo na dapat munang harapin ni Trillanes ang seryosong alegasyon na nagtuturo rito bilang utak at nakikipag­sabwatan sa ilang li­der-oposisyon para ibagsak ang administrasyong Duterte. (Rudy Andal)

ANTONIO TRILLANES IV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with