^

Bansa

12 nanalong senador iprinoklama na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
12 nanalong senador iprinoklama na
Alas-10:20 ng umaga nang magsimula ang programa na pinangunahan ni Comelec Commissioner Sheriff Abas at binanggit ang mga botong nakuha ng bawat senador kasunod ng proklamasyon ng bawat isa.

MANILA, Philippines — Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 senador na nanalo sa katatapos na 2019 midterm elections na ginanap kahapon ng umaga sa PICC Tent sa Pasay City.

Alas-10:20 ng umaga nang magsimula ang programa  na pinangunahan ni Comelec Commissioner Sheriff Abas at binanggit ang mga botong nakuha ng bawat senador kasunod ng proklamasyon ng bawat isa. 

Ang Comelec ang nagsilbing National Board of Canvassers sa katatapos na national at local elections.

Sa mga nanalong senador, siyam ang inen­dorso ni Pangulong Duterte at ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Kumpleto ang 12 mga nahalal na senador na nakapasok sa Magic 12 nang pumasok sa PICC at dumaan sa red carpet.

Sa final tally, nanguna sa senatorial race si Sen. Cynthia Villar sa botong 25,283,727; Grace Poe, 22,029,788; Bong Go, 20,657,702; Pia Caye­tano, 19,789,019; Ro­nald dela Rosa, 19,004, 225; Sonny Angara, 18,161,862; Lito Lapid, 16,965,464; Imee Marcos, 15,882,628; Francis Tolentino, 15,510,026; Koko Pimentel, 15,510,026; Bong Revilla Jr., 14,624,445 habang nasa 12th spot naman si Nancy Binay sa botong 14,504,936.

Sa darating na July 1 magsisimula ang termino ng mga nanalong kandidato sa buong bansa.

Nabatid na re-electionist sina Villar, Poe, Angara, Pimentel at Binay, habang neophyte naman sina Go, dela Rosa, Marcos at Tolentino.

Samantala nagbabalik Senado sina Cayetano, Lapid at Revilla.

Ayon sa nangungu­nang senador na si Cynthia Villar, plano niyang paunlarin ang kanyang Hanepbuhay program upang sabay-sabay na maiahon sa kahirapan ang bawat Pilipino at matuto ng kabuhayan ng hindi umaasa sa pamahalaan.

Bagamat kailangan pa rin ang ayuda ng pamahalaan, hindi kailangan na ang lahat ng tulong ay manggagaling sa gobyerno.

Kailangan din aniyang may partisipasyon ang bawat Pilipino.

12 SENADOR

COMMISSION ON ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with