^

Bansa

Palasyo nagbantang ipatatapon ang 'Canadian trash' sa kanilang dagat

James Relativo - Philstar.com
Palasyo nagbantang ipatatapon ang 'Canadian trash' sa kanilang dagat
Dahil sa "kabagalan" ng aksyon, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo ngayong Miyerkules na sasaluhin na ng gobyerno ng Pilipinas ang gastusin sa pagpapadala ng basura sa Canada.
Release/EcoWaste Coalition

MANILA, Philippines — Dismayado nang husto si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na hindi pagkuha ng bansang Canada sa kanilang basura na iniwan sa Pilipinas noong 2013 at 2014 kahit nangako nang kukunin ito.

Dahil sa "kabagalan" ng aksyon, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo ngayong Miyerkules na sasaluhin na ng gobyerno ng Pilipinas ang gastusin sa pagpapadala ng basura sa Canada.

"As a result of this offending delay, the president has instructed the appropriate office to look for a private shipping company which will bring back Canada's trash to the latter's jurisdiction," sabi ni Panelo sa isang press briefing.

"The government of the Philippines will shoulder all expenses and we do not mind."

Isang linggo na ang nakalilipas nang mapaso ang palugit na ibinigay ng Maynila sa gobyerno ni Canadian President Justin Trudeau na itinakda noong ika-15.

Galit na ipinasasabi ni Duterte na tila hindi sineseryoso ng Canada ang isyu, at ang bansa mismo.

"The Filipino people are gravely insulted about Canada treating this country as a dumpsite," dagdag niya.

Pero pagbabanta ng Palasyo, oras na hindi tanggapin ng Canada ang basura ay itatapon ito ng Pilipinas sa katubigan ng nasabing North American country.

"If Canada will not accept the trash, we will leave the same within the territorial waters, or 12 nautical miles, out to sea from the baseline of any of their country's shores."

Matatandaang pinabalik ng Pilipinas ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang ambassador sa Canada na si Petronilla Garcia, pati na ang mga consul nito, kauugnay ng isyu.

"To our posts in Canada: you have your orders. You are recalled. Get the next flight out," sabi ni Locsin sa isang Tweet.

Hindi naman daw natatakot ang Palasyo sa magiging epekto nito sa diplomatic relations ng Ottawa at Maynila.

Nitong Abril, sinabi ng Canadian Embassy na sinisilip na ng isang joint technical working group ang mga isyu patungkol sa pagtatanggal ng basura sa bansa upang "mabilis na maresolba" ito.

"In 2016, Canada amended its regulations around hazardous waste shipments to prevent such events from happening again," sabi ng embahada sa isang pahayag.

Una nang sinabi ni Duterte na hindi siya natatakot magdeklara ng digmaan laban sa Canada kaugnay nito.

Kahapon, naglunsad ng "die-in protest" ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition sa Embahada ng Canada sa Makati City para pabilisin ang pagtatanggal ng 69 container vans ng basura sa pantalan ng Maynila at Subic.

"If Canada truly values its deep and longstanding relationship with the Philippines, they should have made immediate and high priority arrangements to take their garbage home in keeping with their obligations under the Basel Convention," wika ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition.

Umabot na sa limang taon ang mga basura sa bansa, na iligal na iniangkat sa bansa, at tinitignang paglabag sa Article 9 ng Basel Convention.

CANADA

GARBAGE

JUSTIN TRUDEAU

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with