MANILA, Philippines — Nakuha ni Sen. Cynthia Villar ang pinakamalaking boto sa 2019 midterm elections batay sa opisyal na tala na inilabas ng Commission on Elections, Miyerkules ng madaling araw.
Umani si Villar ng 25,283,727 boto matapos tumakbo sa senatorial lineup ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte, at Hugpong ng Pagbabago, ang regional party ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Bahagi rin si Villar ng Nacionalista Party, kung saan siya rin ang chairperson.
Sinundan naman siya ni independent reelectionist Sen. Grace Poe, na nakakuha ng 22,029,788.
Kahit na nakakuha ng malaking boto, sinabi ni Poe na wala pa siyang plano sa halalang 2022. Tumakbo sa pagkapangulo si Poe noong 2016 presidential elections.
"Wala... siguro si Tita Cynthia na lang, 'di ba? Kasi siya talaga 'yung nag-number one. Pero para sa akin, ako'y nagpapasalamat na manilbihan muli sa Senado," paliwanag niya sa press sa Philippine International Convention Center.
Dagdag niya, sana'y mabigyan din ng magandang posisyon ang isang kandidatong indipendiyente sa komite.
Sen. Grace Poe, the 2nd most voted senatorial candidate, said she has no plans for 2020 elections yet. In 2016, Poe pursued her presidential bid and lost to President Rodrigo Duterte. @PhilstarNews #Election2019 pic.twitter.com/ttMXd3pIkU
— Rosette Adel (@rosette_adel) May 22, 2019
Narito ang pinal na mga ranggo sa senatorial race batay sa opisyal na resultang inilabas ng Board of Canvassers.
Here's the final official results of #Election2019 from COMELEC. Live updates on the proclamation of new senators here: https://t.co/Mg9gWNjvS1 pic.twitter.com/KfnbGtwhRO
— Philstar.com (@PhilstarNews) May 22, 2019
Walo pang kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (Ronald dela Rosa, Imee Marcos, Bong Go, Sonny Angara, Pia Cayetano, Francis Tolentino, Koko Pimentel at Bong Revilla) ang bubuo sa labing dalawang bagong senador habang dalawa pang independent candidates ang nakapasok sa katauhan nina Lito Lapid at Sen. Nancy Binay.
Apat naman sa kanila ang miyembro rin PDP-Laban (Dela Rosa, Go, Pimentel at Tolentino) habang tatlo sa mga nanalo ang naging guest candidates nito (Villar, Angara, Cayetano at Marcos).
Iproproklama ang 12 nanalong kandidato ng NBOC ngayong Miyerkules, siyam na araw pagkatapos ng May 13 elections.
Natapos ang pagca-canvass sa 167 certificates of canvass Martes ng gabi. — James Relativo at may ulat mula kay Rosette Adel