^

Bansa

Sen. Kiko Pangilinan gustong magbitiw bilang LP president

James Relativo - Philstar.com
Sen. Kiko Pangilinan gustong magbitiw bilang LP president
Sa kanyang resignation letter na ibinigay kay Vice President Leni Robredo, sinabi ni Pangilinan na ginawa niya ito bilang pag-ako ng pagkakatalo ng Otso Diretso sa senatorial race.
Office of Senator Kiko Pangilinan

MANILA, Philippines (Updated 12:44 p.m.) — Nakatakdang bumaba bilang pangulo ng Liberal Party si incumbent Sen. Francis "Kiko" Pangilinan matapos ang kinalabasan ng 2019 midterm elections.

Sa kanyang resignation letter na ibinigay kay Vice President Leni Robredo, sinabi ni Pangilinan na ginawa niya ito bilang pag-ako ng pagkakatalo ng Otso Diretso sa senatorial race.

"As campaign manager for the Otso Diretso slate, I was unable to ensure our victory in the elections and I therefore assume full responsibility for the outcome," sabi ni Pangilinan sa isang pahayag Martes.

(Bilang campaign manager ng Otso Diretso slate, bigo akong masiguro ang ating pagkapanalo sa eleksyon kung kaya't inaako ko ang buong responsibilidad ng kinalabasan.)

Aniya, siya raw ang may primaryang may pananagutan sa kanilang pagkakatalo.

Layon daw niyang bitiwan ang pagkapresidente ng partido pagsapit ng ika-30 ng Hunyo.

"[I] hold myself primarily accountable for this defeat and have tendered my resignation as president of the LP," dagdag niya.

(Pinananagutan ko ang pagkatalong ito at nagsumite na ng aking resignation bilang presidente ng LP.)

Walang nakapasok sa Magic 12 sa Otso Diretso sa mga pinakahuling tally ng halalan maliban kay Sen. Bam Aquino, na labas masok sa ika-12 pwesto.

Hindi tinanggap ang resignation

Gayunpaman, hindi naman daw tatanggapin ni Robredo ang planong pagbibitiw ni Pangilinan.

"The VP has not accepted Senator Kiko’s and Cong. Kit’s resignations. Much work remains to be done, and they will do it, together," sabi ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ng bise presidente.

(Hindi tinanggap ng VP ang pagbibitiw nina Senador Kiko at Cong. Kit [Belmonte]. Marami pang trabahong kailangang gawin, at gagawin nila itong magkasama.)

Naghain din ng resignation si Belmonte dahil sa pagkatalo ng oposisyon candidates.

Namayagpag ang mga manok ng adminstrasyon ngayong halalan matapos makapasok sa winner's circle ang maraming kandidato ng PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago.

Nauna nang sinabi ng Commission of Elections iproproklama ang mga nagwaging senador at party-list ngayong araw ngunit muling ipinagpaliban ito.

.2019 MIDTERM ELECTIONS

FRANCIS KIKO PANGILINAN

LIBERAL PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with