^

Bansa

Cardema 'inabuso at inikutan' ang party-list law, ani Dingdong Dantes

James Relativo - Philstar.com
Cardema 'inabuso at inikutan' ang party-list law, ani Dingdong Dantes
Sa isang Twitter thread, nagpupuyos sa galit si Dantes pagdating sa mga aniya'y "uhaw sa kapangyarihan" at mga "sumasalaula" raw sa sistema ng party-list.
File; The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Binanatan ng aktor na si Dingdong Dantes, dating commissioner ng National Youth Commission, ang paghahain ng substitution ni Ronald Cardema para sa Duterte Youth party-list habang namumuno sa komisyon.

Sa isang Twitter thread, nagpupuyos sa galit si Dantes pagdating sa mga aniya'y "uhaw sa kapangyarihan" at mga "sumasalaula" raw sa sistema ng party-list.

"Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag-resign siya bilang NYC chairman. Pwede bang nagising na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya?" sabi ni Dingdong, na unang naging tanyag bilang aktor.

"Maaari kasing nagamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya."

Sa isang paskil ngayong umaga, pinasalamatan naman ni Cardema ang NYC at sinabing sisiguruhin niya ang malaking pondo para sa komisyon oras na maupo sa Kamara.

"Thank you National Youth Commission (NYC) Family. We will ensure a bigger budget for you from the Philippine Congress, compensation for all SK Officials (Chairmen, Kagawads, Secretaries, & Treasurers), return of the Mandatory ROTC, the Death Penalty specifically for Rapists, Heinous Crimes, & Armed Rebels/Terrorists, and many more youth-related and national security-related legislative measures for our country," wika ni Cardema.

Kapansin-pansin na inilagay na ni Cardema sa kanyang Facebook na siya'y "incoming congressman" ng House of Representatives kahit na hindi pa inaaprubahan ng Commission on Elections ang kanyang petisyon.

Pending pa ang petisyon

"He had a petition to be considered a legitimate nominee, that hasn't been resolved yet," sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa CNN Philippines ngayong Lunes.

Nanawagan si Dantes na sana'y hindi maaprubahan ang petisyon dahil parang niratsada na lang daw ang demokratikong proseso kung gagawin ito.

"Malinaw din naman ang batas kontra sa partylist na tumatanggap ng kahit anong suporta o may koneksyon sa gobyerno," dagdag niya.

Ayon sa Article 22, Section 2 (i) ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal makialam ang mga opisyal ng gobyerno sa eleksyon.

"Any officer or employee in the civil service, except those holding political offices; any officer, employee, or member of the Armed Forces of the Philippines, or any police force, special forces, home defense forces, barangay self-defense units and all paramilitary units that now exist or which may thereafter be organized who, directly or indirectly, intervenes in any election campaign or engages in an partisan political activity, except to vote or preserve public order, if he is a peace officer."

Kung maaaprubahan ang petisyon ni Cardema, siya ang magiging unang nominado ng Duterte Youth party-list matapos umatras ang limang nominado ng grupo, ayon sa ulat ng The STAR.

Pero paglilinaw naman ng election lawyer na si Romulo Macalintal, na tumakbo rin sa pagkasenador, pwedeng humarap sa kasong kriminal ang limang nominado ng Duterte Youth na umatras para magbigay daan kay Cardema.

"Duterte Youth nominees who resigned to allegedly give way to National Youth Commission Chair Ronald Cardema may may face a criminal case under Article 234 of the Revised Penal Code," ani Macalintal.

Ito ang sinasabi ng naturang probisyon:

"The penalty of arresto mayor or a fine not exceeding 1,000 pesos, or both, shall be imposed upon any person who, having been elected by popular election to a public office, shall refuse without legal motive to be sworn in or to discharge the duties of said office."

Dagdag ni Macalintal, dapat daw munang manumpa ang mga orihinal na nominado at saka na lamang magbitiw.

"These nominees are not only making a mockery of our electoral processes and when they resigned they have practically abandoned their office entrusted to them by the electorate," sabi niya.

Dagdag naman ni Dantes: "Marami siyang dapat ipaliwanag kung paanong nag-withdraw lahat ng nominado ng kanilang party list at sa biglaan niyang pagpasok bilang substitute ng kaniyang asawa na siyang Number One nominee."

"Nakakalungkot na bilang pangunahing representante ng kabataan ay lumalabas na nakikisali siya sa pagabuso at pag-circumvent sa Party-List system."

Kwestyon sa filing ng substitution

Isiniwalat ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago noong Huwebes na naghain si Cardema ng petisyon para pumalit bilang isa sa mga nominado ng Duterte Youth matapos ang May 13 elections.

Nauna nang sinabi ni Jimenez na napaso na ang palugit pagdating sa paghahain ng substitution, ngunit kumabig ang komisyon nang sabihin ni Comelec Director Frances Arabe na inihain ito noong ika-12 ng Mayo. 

Para sa Palasyo, nag-resign na sa pwesto si Cardema bilang NYC chair dahil sa kanyang pagnanais na maupo sa Kamara.

"Regardless of the outcome, we deem that Mr. Cardema has already abandoned his present position because his act of filing the petition absolutely reflects his intention to relinquish his office and exposes his desire to serve the government in a different capacity," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag noong Linggo.

Naninindigan naman ang militanteng Kabataan party-list, na karibal ng Duterte Youth, na hindi dapat mapahintulutan ang pagpapaupo kay Cardema sa pwesto.

Masyado nang matanda?

Hindi pa rito nagtatapos ang mga isyung kinakaharap ni Cardema.

Kwinekwestyon kasi ng marami ang kanyang edad, na hindi pasok sa edad na hinihingi sa mga representante ng kabataan sa party-list.

Ayon sa Section 9 ng Party-List System Act, hindi pwede lumagpas sa 30 taong gulang ang maaaring umupo bilang kinatawan ng youth sector.

"In case of a nominee of the youth sector, he must at least be twenty-five (25) but not more than thirty (30) years of age on the day of the election. Any youth sectoral representative who attains the age of thirty during his term shall be allowed to continue until the expiration of his term."

Kung titignan ang kanyang kaarawan sa personal niyang Facebook account, nakalagay na ipinanganak siya noong ika-13 ng Abril taong 1986 — dahilan para siya'y maging 33-anyos.

"There have been allegations he's 33. I haven't seen his petition so I don't know what age he is factually. But even with the filing, this is the subject of intense study right now," paliwanag ni Jimenez.

Masugid na kritiko si Cardema ng Kaliwa, at dati nang nanawagan na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng nag-aaklas laban sa gobyerno.

2019 MIDTERM ELECTIONS

DINGDONG DANTES

DUTERTE YOUTH

PARTY-LIST

RONALD CARDEMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with