Voting machines busisiin - Namfrel
MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na suriing mabuti ang ginamit na voting machines nitong midterm elections kung may plano pang gamitin muli sa mga susunod na halalan para makatiyak na hindi na makaranas ng technical glitches.
Sinabi ni Namfrel Secretary General Eric Alvia, marapat lamang umanong i-examine ang mga voting machines at maging ang mismong provider at ang serbisyo nito dahil hindi naman umano nagbabago ang mga kapalpakan.
Hindi aniya dapat na ipagwalang-bahala na lamang ang technical glitches dahil nakasalalay doon ang karapatan ng mga mamamayan na makaboto.
- Latest