Nahuling lumabag sa mga ordinansa higit 1-M
MANILA, Philippines — Lumagpas na ng isang milyon ang bilang ng mga nadakip ng mga police headquarters sa Metro Manila dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa.
Base sa talaan ng National Capital Regional Police Office, mula Hunyo 13, 2018 hanggang Mayo 19, 2019 ay nasa 1,032,134 na ang nadakip. Kabilang dito ang 47,907 (4.64%) na lumabag sa pag-inom sa pampublikong lugar; 238,867 (23.14%) sa Smoking Ban; 54,398 (5.27%) sa ordinansa sa Half-naked; 62,902 (6.09%) na kabataan na nadakip sa Curfew; at 628,060 (60.85%) sa iba pang mga ordinansa.
Pinakamaraming nadakip ang Quezon City Police District na 579,866 (56.18%); sunod ang Eastern Police District na may 209,632 (20.31%); Northern Police District na 99,931 (9.68%); Manila Police District, 84,294 (8.17%) at Southern Police District, 58,866 (5.66%).
Sa mga nahuling lumabag, 66.26% nila ay nabigyan lamang ng babala; 19.07% ay pinagmulta at 14.67% ay kinasuhan sa korte.
- Latest