'Duterte magic' ginamit para i-hokus pokus ang eleksyon, ayon sa ilang grupo

Ginawa nila ito habang patuloy ang canvassing ng Commission on Elections bilang National Board of Canvassers sa parehong lugar sa Pasay City.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Naglunsad ng "Black Friday Protest" ang iba't ibang grupo malapit sa Philippine International Convention Center nitong Biyernes para patuloy na kundenahin ang diumano'y "maanomalyang" eleksyon nitong ika-13 ng Mayo.

Ginawa nila ito habang patuloy ang canvassing ng Commission on Elections bilang National Board of Canvassers sa parehong lugar sa Pasay City.

"Palace has effectively admitted in using the Duterte 'magic' — an ongoing campaign to magically rig the elections in the administration's favor," wika ni Kabataan Rep. Sarah Elago sa isang pahayag.

(Aminado ang Palasyo sa kanilang paggamit ng 'salamangka' ni Duterte — isang patuloy na kampanya para lutuin ang eleksyon para paboran ang administrasyon.)

Tinutukoy niya ang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na "Duterte magic" ang dahilan kung bakit patuloy na nangunguna sa Senatorial polls ang mga pambato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"While the results of the elections are unofficial, there appears to be an unstoppable trend towards a resounding victory of the administration’s favored candidates; undoubtedly, the Duterte magic spelled the difference," ani Panelo.

(Kahit na hindi pa opisyal ang resulta ng eleksyon, mukhang hindi na mapipigilan ang tagumpay ng mga kandidato ng administrasyon; 'di maitatangging Duterte magic ang nagdulot niyan.)

Sinabi rin ni Panelo noong Huwebes na kapanipaniwala ang naging resulta ng halalan bagamat dapat daw imbestigahan ng Comelec ang dayaan umano sa Lanao del Sur na nakunan ng video. 

May imbestigasyon na rin na itinakda ang Kongreso sa mga aberya sa halalan.

Maliban sa Kabataan, kabilang pa sa mga dumalo sa protesta ay ang Anakpawis, Kilusang Mayo Uno, Kadamay, Gabriela Youth, Kontra Daya at Anakbayan.

Independent na Kongreso?

Sa pamamayagpag ng admin candidates, ikinatatakot ngayon ng ilan na baka maging sunud-sunuran na lang ang Senado sa Palasyo, bagay na pinabulaanan ni Panelo.

"The history of the Senate shows (that) members of that chamber (have been) independent ever since. No Senate has ever been under any president," dagdag niya.

(Kung titignan ang kasaysayan ng Senado, makikita na laging independiyente ito. Hindi naisasailalim sa isang presidente ang Senado.)

Gayunpaman, sinabi ni Elago na maaaring maging "rubberstamp" na lang ang Senado at Kamara kung matutuloy ito, na magpapadali raw sa pagpapasa ng pederalismo, charter change at extension ng martial law.

Alegasyon ng 'dagdag-bawas,' kwestyon sa transparency

Samantala, napansin na rin daw ng ilang grupo ang mga 'di kapani-paniwalang resulta ng bilangan.

Ayon sa Anakpawis party-list, hindi raw nakakukuha ng boto para sa kanyang grupo sa ilang lugar kahit na marami silang miyembro doon.

"[S]uch as in the case of Bayabas town in Surigao del Sur, where Anakpawis only got a single vote, when there are more than a hundred members and volunteers who worked hard during the campaign period," sabi ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao.

(Meron nang mga ulat ng pagkakaiba ng boto, tulad ng sa Bayabas, Surigao del Sur kung saan iisa lang ang nakuhang boto kahit na daan-daan ang miyembro at volunteer [namin] na tumulong noong kampanya.)

Tatlong araw bago ang halalan, sinabi ni Philippine National Police chief gen. Oscar Albayalde na patuloy siyang nakakukuha ng mga reklamo pagdating sa vote-buying.

"I’m not saying there is presence of vote buying, but the allegations in the Philippines are everywhere," sabi ni Albayalde.

(Hindi ko sinasabing merong namimili ng boto, pero nangagaling sa buong Pilipinas ang mga reklamo.)

Kasama pa sa mga kwinestyon ng kampo nina Elago ang walong oras na pagkaantala ng pag-update ng Comelec transparency server.

"It has been days after the transparency server outage, but the Comelec has yet to fully explain what took place. It seems that it still require a massive protest, before it gives in to be honest and transparent, as what the people have been demanding," ani Casilao.

(Ilang araw na nang magalit ang mga tao kaugany ng transparency server, pero hindi paw gaano naipaliliwanag ng Comelec ang nangyari. Mukhang kakailanganin talaga naming magprotesta bago nila ibigay ang gusto ng tao na malinis na halalan.)

Random manual audit

Reklamo pa ng mga nagprotesta, hindi rin daw isinama sa random manual audit ang mga party-list ayon sa mga assigned canvass watchers.

Nagsasagawa ng RMA alinsunod sa Comelec Resolution 10525.

“It is a requirement of law to compare the precinct result against votes that can be read by the eye,” sabi ni Comelec Commissioner Luie Tito Guia.

(Hinihingi ng batas na ikumpara namin ang resulta mula sa mga presidente sa mga botong nababasa ng mata.)

Isa ang grupong Anakpawis ni Casilao sa mga na-dislodge, o mga hindi makakukuha ng pwesto, sa Kamara batay sa mga paunang bilang.

Kasalukuyang nakasabit sa ika-50 pwesto sa party-list polls ang Kabataan, dahilan para manganib ang kanilang muling pagpasok sa Kamara.

"It's not about our position in the polls, however. It's the highly questionable and rigged process by which the elections were held."

(Hindi ito tungkol sa posisyon namin sa halalan. Ito'y tungkol sa kahina-hinala at dinayang proseso.)

"The youth, as the Pag-Asa ng Bayan, has every right to protest whatever result this year's elections will bring."

(Ang kabataan, bilang pag-asa ng bayan, ay may karapatan para iprotesta ang idudulot ng halalan ngayong taon.)

Kaninang alas-10 ng umaga, nagtipon din sa tapat ng PICC ang mga supporter ng Akbayan sa isang hiwalay na protesta.

Show comments