FDA chief sinibak ni Digong!

Ang termination letter na may petsang May 15, 2019 ay binasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at magiging epektibo agad ito sa sanda­ling matanggap ng opis­yal ang utos ng Pa­ngulo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sinibak ­kahapon ni Pangulong Du­terte ang Director-Gene­ral ng Food and Drug Administration (FDA) na si Nela Charade Puno.

Ang termination letter na may petsang May 15, 2019  ay binasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo  at magiging epektibo agad ito sa sanda­ling matanggap ng opis­yal ang utos ng Pa­ngulo.

Sinabi ni Sec. Panelo na ang hakbang ng Presidente ay  may kaugnayan sa kampanya nito na linisin ang  korapsyon sa pamahalaan para mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno.

Inutusan ng Palasyo si Puno na i-turnover ang lahat ng mga hawak na dokumento at mga kagamitan sa Department of Health.

Ang  termination paper ay may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Tumanggi namang magbigay ng detalye si Panelo sa  dahilan nang pagsibak kay Puno.

Show comments