FDA chief sinibak ni Digong!
MANILA, Philippines — Sinibak kahapon ni Pangulong Duterte ang Director-General ng Food and Drug Administration (FDA) na si Nela Charade Puno.
Ang termination letter na may petsang May 15, 2019 ay binasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at magiging epektibo agad ito sa sandaling matanggap ng opisyal ang utos ng Pangulo.
Sinabi ni Sec. Panelo na ang hakbang ng Presidente ay may kaugnayan sa kampanya nito na linisin ang korapsyon sa pamahalaan para mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno.
Inutusan ng Palasyo si Puno na i-turnover ang lahat ng mga hawak na dokumento at mga kagamitan sa Department of Health.
Ang termination paper ay may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Tumanggi namang magbigay ng detalye si Panelo sa dahilan nang pagsibak kay Puno.
- Latest