^

Bansa

Sotto iginiit na 'hindi political dynasty' ang kanilang pamilya

James Relativo - Philstar.com
Sotto iginiit na 'hindi political dynasty' ang kanilang pamilya
"Siguro pwede mong sabihing political clan. Pwede. Admittedly, lumalabas 'yon," wika ni Tito.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Nanindigan si Senate Presidente Vicente "Tito" Sotto III na hindi maituturing na political dynasty ang kanilang pamilya, ngunit isang "political clan." 

Matatandaang nanalo kamakailan ang pamangkin niyang si Vico Sotto bilang Pasig mayor, ang anak niyang si Gian Sotto bilang vice mayor ng Quezon City at pamangking si Wahoo Sotto bilang konsehal ng ikalawang distrito ng Parañaque.

"Ang dynasty, sa isang lugar lang. 'Di ba? Like for example, 'yung governor, kamag-anak 'yung mayor, kamag-anak 'yung vice mayor, kamag-anak 'yung vice governor. Pagkatapos ng term nila, ang papalit sila rin, kamag-anak din. 'Yon pwede mong sabihing dynasty 'yon," ayon sa actor turned senator ngayong Huwebes.

"Pero 'yung isa taga-Paranaque, 'yung isa taga-Quezon City, 'yung isa taga-Pasig, paano naging dynasty 'yon? Hindi ba?"

Si Vico, na anak ng kapatid na si Vic Sotto at Coney Reyes, ang pumutol sa 27-taong paghawak ng Eusebio dynasty sa Pasig.

Bagama't tanyag ang mga Sotto sa larangan ng showbiz, mahaba ang kasaysayan nila sa laranagang elektoral.

"[T]ignan mo 'yung history, tignan mo 'yung nakaraan — 'yung family name namin, associated with journalism and politics. Politics and journalism," dagdag niya.

Nagsilbi bilang miyembro ng Philippine Assembly ng ikatlong distrito ng Cebu sa apat na magkakasunod na termino mula 1907 si Filemon Sotto, na naging senador din taong 1916.

Isa rin si Filemon sa mga unang nagbalangkas ng 1935 Constitution kasama ang "Seven Wise Men" na sina Norberto Romualdez, Manuel Roxas, Vicente Singson Encarnacion, Manuel C. Briones, Miguel Cuaderno at Conrado Benitez.

Taong 1946, tumakbo at nanalo naman sa pagkasenador si Vicente Sotto, na kilala naman sa pagbalangkas ng Press Freedom Law (Sotto Law).

"Siguro pwede mong sabihing political clan. Pwede. Admittedly, lumalabas 'yon," wika ni Tito.

2019 MIDTERM ELECTIONS

GIAN SOTTO

POLITICAL DYNASTY

TITO SOTTO

VICO SOTTO

WAHOO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with