MANILA, Philippines — Aprub na sa pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang nagtatakda sa mga graduating students na magtanim ng tig-10 puno.
Sa House bill 8728 o ang “Graduation Legacy for the Environment Act nina Magdalo Rep. Gary Alejano at 2nd district Cavite Rep. Strike Revilla, kailangan munang magtanim ng puno ang mga graduating elementary, high school at college students ng 10 puno bilang pre-requisite sa kanilang graduation.
Sa ilalim ng HB 8728, magiging polisiya na ng gobyerno ang pagsusulong ng mga programa at proyekto na magpo-promote ng environmental protection, biodiversity, climate change mitigation, poverty reduction at food security.
Ang pagtatanim umano ng mga puno ng mga graduating students ang magiging living legacy nila sa kapaligiran gayundin sa susunod na henerasyon ng mga Filipino.