MANILA, Philippines — Ipoproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong senador sa linggong ito.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, target ng Comelec na maiproklama ng sabay-sabay ang lahat ng 12 mananalong senador.
Martes ng hapon nang umpisahan ng Comelec ang canvassing at paglalabas ng opisyal at partial na resulta ng eleksyon.
Samantala, hiniling ng National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel) sa Comelec na i-transmit na ang lahat ng election returns (ERs) dahil ang mga natitira at hindi pa nababasang election returns ay kritikal pa rin sa mga kandidatong nasa hulihang puwesto.
Umaabot pa lang sa 97.75 porsyento o 83,842 partial at unofficial results ng election returns sa buong bansa ang naipadala ng Comelec transparency server sa kanilang mga partner watchdog at mga media outlet.