MANILA, Philippines — Failure of election ang sigaw ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), Philippine Computer Society Emeritus Toti Casiño bunsod ng mga kaliwa’t kanang iniulat na mga kapalpakan ng ilang Vote Counting Machine (VCM) at paglabag ng proseso ng eleksyon ayon sa Section 5 & 6 ng Omnibus Election Code at Republic Act 9369.
Sa ginanap na Media Forum sa Manila Hotel, nagsama-sama sina Prof. Toti Casiño, Nelson Celis, Atty. Glenn Chong, Butch Valdes, Atty. Melchor Magdamo.
Ayon kay Nelson Celis, Spokesperson ng Automated Election System Watch, mandato ng Department of Science and Technology ang pagbibigay ng Sertipikasyon ng Technical Evaluation Committee (TEXC) 3 buwan bago ang araw ng halalan. Aniya, Sertipikasyon ng TEC ay nagsasaad na ang mga Vote Counting Machine (VCM) na gagamitin ay gumagana nang maayos, ligtas at sigurado.
Sa pagtatapos ng nasabing forum, nagkaisa ang lahat kay Atty. Melchor Magdamo, Legal Counsel ng Mata sa Balota, na magsampa ng Freedom of Information Petition sa iba’t-ibang korte sa Pilipinas upang mabuksan ang mga VCM at matignan ang mga balota at resulta ng eleksyon.