^

Bansa

Macalintal, Hilbay tinanggap ang pagkatalo sa Senate race

James Relativo - Philstar.com
Macalintal, Hilbay tinanggap ang pagkatalo sa Senate race
Ang pag-atras ng dalawang opposition lawyers, pareho nilang inihayag ngayong araw.
Release/PCA; The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi na umaasa pa sina Atty. Romulo Macalintal at Atty. Florin Hilbay na mananalo pa sa kanilang pagkandidato ngayong 2019 midterm elections.

Ang pag-atras ng dalawang opposition lawyers, pareho nilang inihayag ngayong araw.

"Thank you for this great opportunity and rewarding experience to offer my services to all of you as a public servant in the Senate," sabi ni Macalintal ngayong umaga.

"But from the results coming from all the clustered precincts, it is clear that a great majority of our voters have chosen other candidates."

Kilala si Macalintal bilang isang election lawyer at tumakbo sa ilalim ng Otso Diretso senatorial slate.

Hindi naman niya nakalimutang humingi ng pasalamat sa lahat ng nagtiwala sa kanya kasama si Bise Presidente Leni Robredo.

"Bagama’t hindi ako nagtagumpay, nariyan pa rin ang aking pangako na tatanda at lilipas din ako, ngunit tuloy pa rin ang paglilingkod sa inyo," sabi niya sa supporters na senior citizens.

Si dating Solicitor General Hilbay naman, malugod ding tinanggap ang pagkatalo.

"This is not the result we hoped for, but it is the reality that we have to face with the optimism that we will have better days," sabi niya sa isang statement.

Aniya, maituturing na "supreme" ang kagustuhan ng taumbahan kung kaya't nirerespeto niya ang kanilang desisyon.

Meron naman din siyang pasubali sa mga naging katunggali.

"Congratulations to all the winners, may you serve the country well," dagdag ni Hilbay.

Nangyayari ang lahat ng ito sa patuloy na pamamayagpag ng administration-backed candidates sa pagkasenador, karamihan mula sa mga in-endorso ng PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago.

Gutoc: 'Ganoon naman talaga eh'

Bagama't patuloy na nasa ibaba ng partial and unofficially senatorial tally, sinabi naman ni Otso bet Samira Gutoc na "okay" lang siya.

"Hey I’m alright, you know despite what happened, ganun naman talaga eh, it’s like my three bar exams," pagbibiro ng babaeng kandidato.

"To everyone who helped me, who voted for me, thank you talaga. I cannot say the immense, gigantic thank you sa lahat. Saludo po sa Pilipinas."

Kilala ang oposisyon sa kanilang pagtutol sa madugong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte at diumano'y pagiging "sunud-sunuran" sa interes ng Tsina.

2019 MIDTERM ELECTIONS

FLORIN HILBAY

OTSO DIRETSO

ROMEO MACALINTAL

SAMIRA GUTOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with