^

Bansa

'Ligal i-suko ang karapatan sa paghulog ng balota, pag-inspeksyon sa resibo'

James Relativo - Philstar.com
'Ligal i-suko ang karapatan sa paghulog ng balota, pag-inspeksyon sa resibo'
Ito ang sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez matapos ikabahala ng ilang senior citizen, buntis at may kapansanan ang pinapipirmang waiver sa mga EAPP. 
PSN/James Relativo

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Commission on Elections na alinsunod sa batas ang paghuhulog ng mga Board of Election Inspectors sa balota ng ibang tao sa mga Emergency Accessible Polling Place ngayong Lunes.

Ito ang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos ikabahala ng ilang senior citizen, buntis at may kapansanan ang pinapipirmang waiver sa mga EAPP. 

"That's the procedure," sabi ng polling body.

('Yan ang patakaran.)

Ang EAPP ay mga espesyal na presintong itinatalaga para sa mga buntis, senior citizen at may kapansanan upang hindi na sila umakyat ng mga gusali at pumila para makaboto.

Pero bago magamit ang EAPP, papipirmahin ka muna ng waiver para kunin ng ibang tao ang iyong balota para sa iyo.

"The procedure that we laid out is that in order for us to be able to bring the documents out of the polling places, which by itself is against the law by the way, in order to give it to the voters, the voters have to waive the protection that is given [to them]," paliwanag ni Jimenez sa press. 

(Para mailabas namin ang mga dokumento mula sa polling places, na sa una't una ay labag sa batas, para maibigay namin ito sa mga botante, kinakailangan nilang isuko ang proteksyong ibinibigay sa kanila.)

Kinumpirma naman ng isang abogado na lehitimo ang mga pinapipirmahang waiver, ngunit dapat ay mapaliwanagan at pumayag ang botante rito.

Kaiba sa ibang presinto, walang vote counting machines sa mga EAPP.

Matapos markahan ang balota, ibibigay ito sa mga opisyales at Board of Election Inspectors na ang maghuhulog nito.

"There's a reason kung bakit hindi mo pwedeng ilabas ang dokumento. It's precisely to protect the integrity of the ballot. But in order to make that accomodation, may waiver na ganyan. And part of that waiver is for them to allow the BEI to feed the ballots for them," dagdag ni Jimenez.

(May dahilan kung bakit hindi mo pwedeng ilabas ang dokumento. "Yan ay para mapangalagaan ang integridad ng balota. Pero para magawa ang akomodasyon na 'yon, may waiver na ganyan. At parte ng waiver ay ang pagpayag nila na BEI na ang pag-feed ng balota para sa kanila.)

'Di makikita ang resibo ng boto?

Kabilang sa mga karapatang isinusuko ng mga pumipirma ng waiver ay ang karapatan na mainspeksyon ang resibong patunay na tama ang pumasok na boto sa VCM.

Kaninang umaga sa Marikina, isa ito sa mga inireklamo ng mga matatandang botante.

Aniya, hindi sila kampante na pareho ang laman ng kanilang balota sa mapapasok na boto dahil muling ilalabas ng presinto ang balota at hindi nila makikita ang resibo.

"Hindi ba masasayang ang boto namin?" sabi ng isang botante.

Ayon sa BEI na nakausap ng PSN, ito raw ang unang beses na nangyari ito sa kanilang lungsod.

Pero paliwanag naman ng Comelec, hindi dapat mabahala ang mga botante.

Wala naman daw kasing pinagkaiba ang ganitong proseso sa ginagawa noong hindi pa automated ang eleksyon.

"Well if you voted manual, would you be able to verify how it's counted? Would you? You wouldn't. So it's basically the same thing. So basically, it's like voting manual," wika ng tagapagsalita.

(Kung mano-mano ang botohan, mabeberipika mo ba kung paano ito mabibilang? Kaya ba? Hindi. So pareho lang siya. Basically, para lang itong mano-manong pagboto.)

"You don't get to see how the vote is counted, sure. But again, there is a process that you can trust."

(Hindi mo makikita kung paano mabibilang ang boto mo, oo. Pero, may proseso ka namang mapagkakatiwalaan.)

2019 MIDTERM ELECTIONS

BALLOT

COMMISSION ON ELECTIONS

PERSONS WITH DISABILITY

PREGNANT WOMEN

SENIOR CITIZENS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with