Crisologo at anak inaresto

Ayon kay QCPD Director P/Brig. General Jo­selito Esquivel Jr., pasado alas­ 10:00 ng gabi ay may nagsumbong sa kanila na may nagaganap umanong ‘vote buying’ sa Brgy. Bahay Toro kaya mabilis silang nagtungo sa lugar upang beripika­ hin ang sumbong at nang mabatid na positibo ang reklamo ay inaresto ang nasa 40 ­katao.

MANILA, Philippines — Inaresto si Quezon City mayoral candidate at 1st District Representative Vincent ‘Bingbong’ Crisologo at anak nitong si Atty. Edrix Crisologo dahil sa umano’y pakikialam sa police operation laban sa ‘vote buying’ kagabi.

Ayon kay QCPD Director P/Brig. General Jo­selito Esquivel Jr., pasado alas­ 10:00 ng gabi ay may nagsumbong sa kanila na may nagaganap umanong ‘vote buying’ sa Brgy. Bahay Toro kaya mabilis silang nagtungo sa lugar upang beripika­ hin ang sumbong at nang mabatid na positibo ang reklamo ay inaresto ang nasa 40 ­katao.

Habang dinadala sa istasyon ng pulisya ang mga inaresto ay dumating si Rep. Crisologo at anak nito na nagtangka umanong pigilan ang mga pulis sa kanilang ginagawa kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaya maging sila ay pinosasan at inaresto.

“He was arrested in the vote buying site under police operation, as of now, he is being investigated as to what is his business there,” ayon kay Esquivel.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya sa Camp Karingal si Crisologo at anak nito at suma­ sailalim sa masusing imbestigasyon.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ng mag­amang Crisologo ang akusasyon. Ayon kay Bingbong, nagtungo lamang sila sa lugar matapos na may tumawag sa kanilang tagasuporta at ipi­ nagbigay­alam ang insidente nang pag­aresto sa kanilang mga watchers para sa eleksyon ngayong araw.

Show comments