^

Bansa

VACC tututok vs Taguig narcos

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VACC tututok vs Taguig narcos
Ayon kay VACC spokesperson Boy Evangelista, kung mayroong mga ebidensya ang reklamo ng grupong Hukbong Laban sa Katiwalian (HLK) ay ia-assess at pag-aaralan ito ng kanilang legal team sa pamumuno ni Atty. Ferdinand Topacio at kung may basehan ang reklamo ay handa silang tumulong para mapa­lakas ang kaso.
VACC Photo

MANILA, Philippines — Handang tumulong ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa isyu ng umano’y narco politics sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay VACC spokesperson Boy Evangelista, kung mayroong mga ebidensya ang reklamo ng grupong Hukbong Laban sa Katiwalian (HLK) ay ia-assess at pag-aaralan ito ng kanilang legal team sa pamumuno ni Atty. Ferdinand Topacio at kung may basehan ang reklamo ay handa silang tumulong para mapa­lakas ang kaso.

Una na ring sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang sisilipin ang narco politics sa Taguig matapos tukuyin ang mga naarestong suspek sa drug case na kaanak umano ng tuma­takbong mayoral candidate sa lungsod.

Una nang naghain ng graft case sa Office of the Ombudsman ang HLK laban sa isang mayoralty candidate sa Taguig, bunsod ng umano’y magarbong lifestyle nito.

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with