^

Bansa

K-12 'pinag-eksperimentuhan' lang ang kabataan, sabi ng grupo

James Relativo - Philstar.com
K-12 'pinag-eksperimentuhan' lang ang kabataan, sabi ng grupo
Sinabi ito ng mga militante nang aminin ni Commission on Higher Education Chairperson Prospero de Vera III na nakitaan nila ng mga "depekto" ang programa.
Release

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang Kabataan party-list na masilip at tuluyang maibasura ang pagpapatupad ng K to 12 program sa high school, na pinagkakitaan at nagpahirap lang daw lalo sa marami.

Sinabi ito ng mga militante nang aminin ni Commission on Higher Education Chairperson Prospero de Vera III na nakitaan nila ng mga "depekto" ang programa.

Ilan dito ay ang mga diumano'y nakabinbing pagpapatupad ng mga proyekto't 'di pagbibigay ng sweldo sa mga project-based researchers.

"I stopped all new DARE TO projects because the K to 12 project of [Patricia] Licuanan was defective, plus Congress cut the K-12 funding for research by P800 million," sabi ni De Vera sa panayam ng Manila Bulletin.

Dahil dito, nagdesisyon ang CHED na "rebyuhin at palitan" ang approval process ng mga proyekto sa ilalim ng K to 12 Transition Program.

"We have said time and again that the K to 12 program will not answer the country's declining quality of education," sabi ni Kabataan Rep. Sarah Elago sa isang pahayag, Huwebes.

Taong 2013 nang dadagan ng dalawang taon ang high school, dahilan para maging anim ito.

Layon daw nitong mabigyan ng "sapat na oras" ang mga estudyante para mapaunlad ang kanilang mga kasanayan bago magkolehiyo, matuto magnegosyo at maging handa magtrabaho oras na grumaduate ng senior high school. 

Ayon kay Elago, na tanging representasyon ng kabataan sa Kongreso, patunay lang daw ang mga rebelasyon ni De Vera na nagdulot lang ito ng mas maraming problema sa edukasyon.

"Dagdag na taon, dagdag na bayarin at dagdag na pasakit lamang, at wala ang mga pangako ng maayos na edukasyon at trabaho," wika niya.

Itigil?

Bagama't positibo pa rin sa kabuuan ang pagtingin ng CHED at Department of Educatiuon sa programa, naniniwala ang grupo na dapat paspasan na ang pagpigil sa K to 12.

"Millions of students were forced to undergo this experiment like guinea pigs and the results yielded were negative. Despite K to 12's promises, the quality of education continues to decline and job opportunities remain to be scarce," ani Elago.

Nais din daw nilang mapatawan ng parusa ang mga dawit sa kaso ng korapsyon sa education programs at nanawagan ng dagdag na transparency.

"The genuine solution to this problem is the promotion of an educational system that would truly address the needs of the Filipino youth and Philippine society in general," panapos ng lider kabataan.

Matatandaang sinabi ng isang Jobstreet survey noong na 24% lang ng employers ang handang i-hire ang mga graduate ng K to 12.

Sa kabila nito, sinabi ng DepEd noong Mayo 2018 na nalampasan ng unang dalawang taon ng implementasyon nito ang kanilang mga inaasahang resulta.

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

K TO 12

KABATAAN PARTY-LIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with