^

Bansa

'Ouster matrix' huwag seryosohin — JV Ejercito

James Relativo - Philstar.com
'Ouster matrix' huwag seryosohin â JV Ejercito
Sabi ni Panelo, nagtutulung-tulungan daw ang maraming grupo para "i-discredit" ang administrasyon para palakasin ang kandidatura ng opposition senatorial candidates na Otso Diretso.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Huwag seseryosohin — 'yan ang reaksyon ni Sen. JV Ejercito sa panibagong "conspiracy diagram" na inilabas ni presidential spokesperson Salvador Panelo kahapon kaugnay ng mga diumano'y magpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.

Sa Kapihan sa Senado kanina, sinabi ng reelectionist senator na mataas ang ratings ni Digong, kung kaya't walang "panganib" para siya'y ma-kudeta.

"Yung matrix, I don’t think there is any danger of overthrowing the President, considering that he enjoys 70-80 percent approval, no danger there," wika ni Ejercito.

Sa huling survey ng Social Weather Stations na inilabas nitong Abril, sinabing 79% ng Pilipino ang "satisfied" sa performance ng presidente.

Ito'y tumaas ng limang puntos mula sa 74% noong noong Disyembre 2018.

Lumalabas naman na 81% ang approval rating ng pangulo habang 76% naman ang kanyang trust rating sa huling Pulse Asia survey.

"So palagay ko hindi dapat seryosohin ngayon. Kasi kahit na mayrong matrix, wala namang mangyayari sa matrix na yan, di ba? The President enjoys the trust and confidence of the majority of the population," dagdag ng senador.

Inendorso si Ejercito ng PDP-Laban, partido ni Digong, at Hugpong ng Pagbabago ni presidential daughter Inday Sara Duterte-Carpio.

Matatandaang naglabas ng pinalawig na matrix ang Malacañang nitong Miyerkules, kung saan idinidiin niya ang Liberal Party at Magdalo.

'Listahan ng asar sa pangulo'

Samantala, sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na hindi mahalaga kung mapagkakatiwalaan o hindi ang inilabas na matrix.

"It’s just a matrix. It should just be taken as it is. It need not be credible or incredible. One’s perception is the factor of consideration," sabi niya sa panayam ng Inquirer.

"[I]to ang listahan ng mga asar kay PRRD (President Rodrigo Roa Duterte)."

Duda naman ang senador kung bakit napasama sa listahan ang reporter na si Gretchen Ho at Olympic silver medialist na si Hidilyn Diaz.

"Those two names are questionable... I can’t see how they may be participative in an ouster move. I’d rather look into it with caution," dagdag niya.

Nanindigan naman si Panelo na hindi niya inilabas ang matrix para sikilin ang malayang pamamahayag ng damdamin at batikos.

"The difference is that, the ones I mentioned, they are the ones with linkages to those responsible for this black propaganda. That means, they are no longer (legitimate). That means, they are into shenanigans," paliwanag ng tagapagsalita ng presidente.

JV EJERCITO

OUSTER MATRIX

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with