^

Bansa

National Student Loan Program iprayoridad - Ang Probinsyano Partylist

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Ang Probinsyano Party-list ang mga ahensya ng gobyerno na gawing prayoridad ang National Student Loan Program (NSLP) para maipatupad na.

Ayon ay Alfred delos Santos, nominee ng Ang Probinsyano Party-list, nakasalalay sa programang ito ang kinabukasan ng libo-libong mga kabataan.

Ang NSLP ay kabilang sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act 10931, Section 8) na isinabatas noong Agosto 3, 2017.

 Sa NSLP ang estudyante ay makakapag-umpisang magbayad ng kanyang inutang pang matrikula kapag siya ay may trabaho na at kapag mataas na ang kanyang sinasahod. Ang pagbayad ng kanyang student loan ay awtomatikong ibabawas sa kanyang sweldo kasabay ng kanyang bayad sa SSS.

Sa NSLP, ang mga magulang ay magiging kampante na makakapag aral pa rin hanggang kolehiyo ang kanilang mga anak at magkakaroon sila ng mas magandang kinabukasan, sabi ni delos Santos.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO PARTY-LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with