Inflation nasa '16-month low' nitong Abril
MANILA, Philippines — Lalo pang bumagal ang headline inflation ng bansa sa 3% nitong Abril, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority ngayong araw.
Matatandaang naitala ang inflation noong Marso 2019 sa 3.3%.
Ito na ang pinakamababang inflation rate mula Enero 2018.
Sinusukat ng inflation rate ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa isang takdang panahon.
Tulad ng mga nakaraang buwan, pasok pa rin ito sa 2 hanggang 4% target ng gobyerno para sa taong 2019 at 2020.
Pareho itong bumagal sa National Capital Region (3.1%) at Areas Outside NCR (3.0%) na nakakuha ng 5.2% at 4.3% Abril taong 2018.
Pinakamataas ang April inflation sa rehiyon ng Mimaropa, pero mas mababa pa rin ito kumpara noong isang buwan.
Highest April inflation was in Mimaropa, which nevertheless posted a month on month decline pic.twitter.com/ndCYZpolxA
— Bim Santos (@josebimbosantos) May 7, 2019
Sinasabing itinulak ng pagkain, non-alcoholic beverages, alcoholic beverages at tabako, pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang fuel ang "downtrend" noong nakaraang buwan.
Kasalukuyang nasa 3.6% na ang year-to-date inflation.
Ikinatuwa naman ng National Economic Development Authority ang panibagong datos at sinabing gumagana ang stratehiya ng pamahalaan sa pagkontrol ng presyo.
"The recent inflation reading validates our efforts towards stabilizing inflation so that the country’s buoyant economic growth, along with key reforms, remains unimpeded," sabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia Ernesto Pernia.
'On target' pero...
Kahit na pasok sa target, sinabi naman ni Bangko Sentral Gov. Benjamin Diokno na maaaring panggalingan ng "upside price pressure" ang patuloy na epekto ng El Niño at pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
"... the weakening global economic environment could present downside risks to inflation," ani Diokno.
Patuloy naman daw pagmamatyagan ng BSP ang mga presyo.
"Given unstable global oil prices, the government should prioritize rolling out the second tranche of its social mitigating measures under the TRAIN law, such as the unconditional cash transfer and Pantawid Pasada, especially now that the 2019 national budget has already been signed into law," dagdag ni Pernia.
Noong nakaraang linggo, itinaya ng BSP ang April inflation sa pagitan ng 2.7 hanggang 3.5%.
Bilihin 'mataas pa rin'
Sa kabila ng positibong balita ng PSA, pinaalala naman ng economic think tank na IBON Foundation na mas mahal pa rin ang presyo ng maraming pangunahing bilihin ngayon kumpara sa mga presyo noong Abril 2018.
Ilan na rito ang bigas, isda, asukal at gulay.
Inflation slowed in April 2019 but rice, fish, sugar and many vegetables are still more expensive than last year.#MalalangEkonomiya #MayMagagawa #PeopleEconomics #BeyondElections2019 pic.twitter.com/9zafMr2py0
— IBON Foundation (@IbonFoundation) May 7, 2019
Sa panayam ng ANC, sinabi naman ni Standard Chartered economist Chidu Narayanan na hindi niya nakikitang babalik ang inflation sa lebel nito noong nakaraang taon.
Pumalo sa ito sa 6.7%, na pinakamataas sa loob ng siyam na taon, noong Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon.
- Latest