Botante binalaan sa over vote

Ayon kay Comelec-Education and Information Director Atty. Frances Arabe, masasayang lamang ang boto kung over vote dahil hindi ito bibila­ngin ng machine hindi tulad kung under vote o kulang ang iboboto.
Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Commission on Election sa mga botante na iwasan ang  over vote o pagboto ng sobra sa May 13 midterm polls.

Ayon kay Comelec-Education and Information Director Atty. Frances Arabe, masasayang lamang ang  boto kung over vote dahil hindi ito bibila­ngin ng machine hindi tulad kung under vote o kulang  ang  iboboto.

“Kung sobra sa 12 ang senators na iboboto, automatic invalid ang boto,”  ani Arabe.

Payo ni Arabe sa mga botante, magdala ng  kodigo o listahan ng kanilang gustong iboto sa Mayo 13.

Paliwanag ni  Arabe, hindi lamang oras ang  matitipid ng isang bo­tante kundi napag-isi­­pan na ring mabuti ng  botante ang kandidato na kanilang  gusto iboto.

Aniya,  mahalaga ang bawat boto ng bawat isa para sa kinabukasan ng bansa kaya dapat lamang na maging mai­ngat ang bawat isa  sa pag-se-shade sa balota.

Show comments