Botante binalaan sa over vote
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Commission on Election sa mga botante na iwasan ang over vote o pagboto ng sobra sa May 13 midterm polls.
Ayon kay Comelec-Education and Information Director Atty. Frances Arabe, masasayang lamang ang boto kung over vote dahil hindi ito bibilangin ng machine hindi tulad kung under vote o kulang ang iboboto.
“Kung sobra sa 12 ang senators na iboboto, automatic invalid ang boto,” ani Arabe.
Payo ni Arabe sa mga botante, magdala ng kodigo o listahan ng kanilang gustong iboto sa Mayo 13.
Paliwanag ni Arabe, hindi lamang oras ang matitipid ng isang botante kundi napag-isipan na ring mabuti ng botante ang kandidato na kanilang gusto iboto.
Aniya, mahalaga ang bawat boto ng bawat isa para sa kinabukasan ng bansa kaya dapat lamang na maging maingat ang bawat isa sa pag-se-shade sa balota.
- Latest