Presyo ng sardinas, noodles atbp. tumaas
MANILA, Philippines — Isang linggo bago ang halalan, tumaas ang presyo ng mga pangunahing produkto partikular na ang sardinas at noodles, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Agad namang ikinatwiran ni DTI Secretary Ramon Lopez na tumaas ang presyo ng mga “raw materials” kaya pumalo rin ang presyo nito sa merkado.
Sa 24 na brand ng sardinas, pito ang nagtaas ng presyo kabilang ang mga “tamban sardines”.
Tumaas ng mula P.30-P1 ang presyo ng isang lata ng sardinas para sa mga lokal na brand at hanggang P1.50 sa mga premium brands.
Umakyat naman ang SRP (suggested retail price) ng P.20-P.45 sentimos ang kada pakete ng instant noodles depende sa brand nito.
Bukod dito, nagtaasan rin ang presyo ng patis, toyo, at suka.
Naglabas na ang DTI ng listahan ng SRP sa mga pamilihan bilang gabay sa mga konsyumer sa kanilang pamimili.
Binabantayan rin umano nila ang 250 SKU (stock keeping units) ng ilang grocery items.
- Latest