MANILA, Philippines — Nanguna ang law graduate mula sa Ateneo de Manila University na si Sean James Borja sa 2018 Bar Exams na inilabas ng Korte Suprema kahapon matapos makakuha ng 89.3060% rating.
Ayon sa SC, mas mababa ang mga nakapasa sa 2018 Bar examinations na umabot lamang sa 22.07 percent o kabuuang 1,800 ang pasado mula sa 8,158 examinees, kumpara noong nakalipas na taon na 25.5 percent ang pumasa.
Si Supreme Court Associate Justice Mariano C. Del Castillo ang nagsilbing chairperson ng 2018 Supreme Court Committee on the Bar Examinations.
Pasok din sa top 10 sina Marcley Augustus B. Natu-El ng University of San Carlos (87.5300%); Mark Lawrence C. Badayos ng University of San Carlos (85.8420%); Daniel John A. Fordan ng Ateneo de Manila University (85.4430%); Katrina Monica C. Gaw ng Ateneo de Manila University (85.4210%); Nadine P. Tongco ng University of the Philippines (85.0320%); Patricia O. Sevilla ng University of the Philippines (84.8590%); Katherine T. Ting ng De La Salle University-Manila (84.8570%); Jebb Lynus Q. Cane ng University of San Carlos (84.8050%) at Alen Joel R. Pita ng University of San Carlos (84.6930%).