MANILA, Philippines — Mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Araw ng Paggawa sa bansa kahapon, ayon sa Philippine National Police.
Sinabi ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac na wala namang masamang insidente sa isinagawang rally ng mga militanteng grupo sa Metro Manila at iba’t-ibang bahagi ng bansa.
“Naobserbahan ng PNP na payapa at maayos sa pangkalahatan ang sitwasyon sa buong bansa,” sabi ni Banac sa isang pahayag.
Pinuri ni Banac ang mga nagsagawa ng kilos-protesta dahil sa pagsasagawa ng mapayapang rally.