MANILA, Philippines — Nag-aalok ang Malacañang ng P10 milyong gantimpala sa sino mang magbibigay ng impormasyon para madakip ang tinanggal na police official na si Eduardo Acierto na wanted ng korte dahil sa isang drug smuggling case.
Kinumpirma kahapon ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang reward money pero sinabi niya na hindi niya alam kung saan magmumula ito.
“Mas malaki ang halaga kaysa ng sa maiaalok ng DOJ,” sabi niya sa mga reporter sa isang text message kasabay ng paliwanag na nag-alok lang ang DOJ ng P500,000 para madakip si Peter Go Lim na nahaharap sa hiwalay na kaso kaugnay ng drug trade conspiracy.
Sinabi pa ng kalihim na magpopokus ang DOJ sa mga coddler at protector ni Acierto na aarestuhin sila ng mga law enforcement agent saan man nagtatago si Acierto at agad na kasuhan ang mga ito.
Nauna rito, ipinalabas ng Branch 35 ng Manila Regional Trial Court ang hold departure order laban kay Acierto at pito pang tao na naakusahan sa importasyon ng dangerous drug kaugnay ng bilyung-pisong halaga ng shabu na nakatago sa magnetic lifters na nakumpiska noong nakaraang taon.
Naglabas naman ang Manila Regional Trial Court ng hold departure order laban kay Acierto at anim na iba pa kaugnay ng drug charges hinggil sa bilyong smuggled na shabu.
Inatasan ni Judge Ma. Bernardita Santos ang Bureau of Immigration na bantayan ang posibleng paglabas ng bansa ni Acierto at anim na iba pa.
Bukod kay Acierto sakop din ng HDO sina dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director for Administration Ismael Fajardo; importers Chan Yee Wah alias KC Chan at Zhou Quan alias Zhang Quan; consignees Vedasto Cabral Baraquel Jr. at Maria Lagrimas Catipan of Vecaba Trading; at Emily Luquingan sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inihain sa Department of Justice (DOJ).