Pinas, China nagkasundo sa WPS
MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Pilipinas at China na resolbahin ang isyu sa West Philippine Sea partikular sa Pag-asa island sa pamamagitan ng mekanismo sa bilateral negotiations ng dalawang bansa.
Mismong si Pangulong Duterte ang nagbanggit kay Chinese President Xi Jinping sa kanilang bilateral meeting ang hinggil sa isyu ng Pag-asa island.
Naunang sinabi ng Pangulo sa kanyang opening statement na hindi dapat nagsisiraan ang magkakaibigan bagkus ay dapat nagtutulungan.
Ang naging tugon naman ni Xi ay ang pagtuturing niya kay Duterte bilang tunay na kaibigan at partner ng China kaya inimbitahan niya ito sa 2nd Belt and Road Initiative forum.
Ipinunto rin ni Xi ang Memorandum of Understanding on Oil and Gas sa pagitan ng China at Pilipinas sa pamamagitan ng pagsuspinde sa hindi pagkakaunawaan nito sa joint exploration para na rin sa benepisyo ng 2 bansa at mamamayan nito.
Samantala, naunang sinabi ni Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na iniimbestigahan na ng China ang sinasabing mga militiamen na lulan ng mga bangkang paikut-ikot sa Pag-asa island at nangunguha ng mga taklobo.
- Latest