1st quarter inflation bumagal sa 3.4%
MANILA, Philippines (Updated 12:45 p.m.) — Lalong humupa ang inflation sa unang kwarto ng 2019 sa 3.8%, ayon kay Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno, pasok sa dalawa hanggang apat na porsyentong target ng pamahalaan.
Ito'y pagbaba mula sa dating 5.9% noong Disyembre 2018.
Aniya, nakatulong ang pag-igi ng supply conditions sa nangyaring pagbaba.
"Headline inflation for Q1 2019 further decelerated to 3.8% from 5.9% in the previous quarter, mainly as a result of a significant drop in food inflation due to improved supply conditions," ani Diokno.
Bago maitalagang governor ng BSP, nagsilbi si Diokno bilang kalihim ng Department of Budget and Management.
Naiulat naman ang "core inflation," o ang pagpapalit ng presyo ng goods and services labas sa pagkain at enerhiya, sa 3.9% ngayong first quarter.
GBED: Headline inflation for the quarter is now within the National Government’s target range of 2-4% for the year. Core inflation was 3.9% YoY in Q1, down from 4.9% in Q4 2018
— Bangko Sentral (@BangkoSentral) April 26, 2019
Nangyayari ang reduction ng inflation matapos maiulat ang pagbaba ng mga nagugutom na pamilyang Pilipino sa 9.5% (estimated 2.3 milyong pamilya), ayon sa March survey ng Social Weather Stations.
Matatandaang pumalo sa nine-year high na 6.7% ang monthly inflation noong Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon.
Bagama't nabawasan ang inflation, sinabi naman ng isang economic think tank na sana'y maramdaman ito ng karaniwang Pilipino.
"Syempre mas okey ang mababang inflation kaysa mataas na inflation. Pero ang pinaka-okey ay mas mababang presyo," sabi ni Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation, sa panayam ng PSN.
"Dahil may inflation pa rin ay tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin at nahihirapan pa rin ang milyon-milyong Pilipino na walang trabaho o, kahit may trabaho, ay kulang pa rin ang napakababang kita para sa kailangan ng kanilang pamilya na mabuhay ng disente," dagdag niya.
Kaugnay nito, naghain ng wage hike petition ang Kilos Na Manggagawa, Metal Workers Alliance of the Philippines at BPO Industry Employees Network sa NCR Regional Wage Board ngayong umaga.
Hihilingin nilang gawing P750 ang minimum wage bago sumapit ang Mayo Uno o Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa.
- Latest