MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng Chuzon Supermarket dahil sa pinsalang idinulot nito na ikinasawi ng 15 katao ng yanigin ng magnitude 6.1 lindol ang Pampanga at iba pang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
“Whether the people here decide to file a criminal case or not, of course the civil liability is number one. What happened here was reckless imprudence. It’s because probably the building was substandard,” pahayag ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde.
Sinabi rin ni Albayalde na hindi rin ligtas ang iba pang local officials ng Pampanga kapag napatunayang may pagkakamali ang mga ito sa inaprubahang materyales na ginamit sa pagtatayo sa gusali alinsunod sa Building Code.
“The local officials might also be held liable because the supermarket was given a permit to operate. And if they violated the building code, as far as the strength of materials is concerned, that is also a violation,” sabi ni Albayalde.
“As of this time, ang utos ng ating Pangulo is temporarily close din ang iba’t ibang Chuzon Supermarket, all in Pampanga,” dagdag ni Albayalde laban sa may-ari nito na si Chinese trader Samuel Chu.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa 16 namatay sa lindol, 15 dito ay sa Chuzon Supermarket sa bayan ng Porac.
Kumukuha na ng mga testimonya ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa mga survivors sa trahedya upang magamit na ebidensya sa isasampang kaso sa may-ari ng supermarket.
Nakikipag-koordinasyon na rin ang PNP sa Department of Public Works and Highways na nag-iimbestiga rin sa gumuhong istraktura at mga materyales na ginamit sa pagtatayo sa apat na palapag na gusali.
Related video: