MANILA, Philippines — Sinaksihan kahapon nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping ang dalawang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.
Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ang pagpapalitan ng letters on production capacity and investment cooperation at ang Grant-aid para sa dangerous drugs abuse treatment and rehabilitation centers project sa pagitan ng Pilipinas at China.
Nagpasalamat si Pangulong Duterte sa personal na imbitasyon sa kanya ni President Xi upang dumalo sa 2nd Belt and Road forum.
Itinuturing naman ni President Xi na isang tunay na kaibigan ng China si Pangulong Duterte.
Sinabi ni Xi bilang tugon sa opening statement ni Duterte sa bilateral meeting ng mga ito, mahalaga ang papel ng Pilipinas sa Belt and Road initiative forum.
Wika ng Chinese president, isang tunay at mapagkakatiwalaang partner ng China si Duterte kaya inimbitahan niya ito sa 2nd Belt and Road Initiative forum.
Nakiramay rin si Xi sa mga biktima ng sunud-sunod na lindol sa Pilipinas.