MANILA, Philippines — Nanawagan si re-electionist Sen. Bam Aquino sa mga kaukulang ahensiya na itigil na ang turuan at agad tutukan ang tumataas na presyo ng asukal sa kabila ng matatag na supply at mababang millgate prices.
Ayon kay Sen. Bam, dapat imbestigahan ng Department of Agriculture (DA) ang akusasyon na manipulasyon ang nasa likod ng pagtaas ng presyo ng asukal sa antas ng wholesale at retail.
Idinugtong pa ni Sen. Bam na dapat paganahin ng Department of Department of Trade and Industry (DTI) ang Price Coordinating Council, na pinamumunuan nito, para maprotektahan ang consumers sa hindi makatwirang pagtaas ng presyo ng asukal.
Para kay Bam, dapat magsanib puwersa ang DA at DTI sa pagsilip sa umano’y manipulasyon sa presyo ng ilang traders at retailers sa kabila ng matatag na farmgate price mula sa sugar mills at sa paghahanap ng paraan para matigil ang pagtaas ng halaga ng asukal, na nasa P60 bawat kilo na sa merkado.