MANILA, Philippines — May mahigit 3,263 istraktura ang nakatayo sa danger zone ng West Valley Fault at malamang na mawasak kung gagalaw ang mga faultline oras na lumindol.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kahit matibay ang isang gusali pero ito ay nakatayo sa danger zone ng west valley fault, mawawasak ang foundation nito at masisira ang building.
Sinabi ni Dr. Arturo Daag, Chief ng Science Research Specialist ng Phivolcs, wala pang engineering intervention mayroon ngayon para makontrol ang epekto ng paggalaw ng fault line.
Ang West Valley Fault ay may 100 kilometro mula lalawigan ng Bulacan na dadaan sa Metro Manila puntang Cavite hanggang sa Laguna.
Bunga nito, inabisuhan ni Daag ang mga residenteng nasa fault line ang straktura na lisanin ang lugar upang makaiwas sa peligro ang buhay at lagyan ng marker ang lugar na ito ay nasa fault line.
Noong lunes ay nagkaroon ng 6.1 magnitude na lindol sa Luzon kasama ang Metro Manila dahil sa paggalaw ng fault.