‘Pagmumura hindi krimen’ - Duterte

Ito ang idiniin kamakalawa ng gabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga health professionals sa Pasay City matapos akusahan siya ng mga kritiko na hindi statesman dahil sa kanyang pagmumura.

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga pagmumura sa publiko at iginiit na hindi naman krimen ang pagmumura.

Ito ang idiniin kamakalawa ng gabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga health professionals sa Pasay City matapos akusahan siya ng mga kritiko na hindi statesman dahil sa kanyang pagmumura.

Aniya, ganito na ang kanyang istilo kahit noong alkalde pa lamang siya ng Davao City kaya sanay na ang mga taga-Mindanao sa kanyang pagmumura hanggang sa maging pangulo noong 2016.

Sa naging desisyon ng Korte Suprema noong 1969 ay hindi itinuturing na ‘slanderous’ ang pagmumura ng ‘putang ina mo’ at hindi dapat ituring na pag-atake sa pagkatao ng isang ina.

Nagbiro pa ang Pangulo na hindi siya nag-aral para sa statemanship “otherwise I would have enrolled it and improve on my demeanor.”

Show comments