^

Bansa

Escalante City councilor pinagbabaril matapos mangampanya, patay

James Relativo - Philstar.com
Escalante City councilor pinagbabaril matapos mangampanya, patay
Survivor ng Escalante massacre noong 1985, kasapi si Patigas ng North Negros Alliance of Human Rights Advocates, member organization ng Karapatan-Negros chapter.
Wikimedia Commons/Mike Gonzalez

MANILA, Philippines — Patay nang tamaan ng bala sa binti at noo ang konsehal ng Escalante City, Negros Occidental na si Bernardino “Toto” Patigas, 72, alas kwatro y media ng Lunes.

Survivor ng Escalante massacre noong 1985, kasapi si Patigas ng North Negros Alliance of Human Rights Advocates, member organization ng Karapatan-Negros chapter.

"He continued to support human rights advocacies especially the cause of the sakadas of Negros and joined fact finding missions in Negros after the dictator Marcos was ousted," ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, sa Facebook.

Nagmamaneho raw ng motorsiklo ang konsehal habang patungo sa Barangay Washington matapos mangampanya kasama ang mga kapwa kandidato.

Tumatakbo ang biktima bilang Sangguniang Panlungsod member bago mapaslang.

Taong 2017, humarap sa mga kaso si Patigas ngunit ibinasura ang mga ito dahil sa kawalan ng probable cause.

Ayon sa pahayag, patuloy daw siyang nakatatanggap ng mga banta sa buhay dahil sa kanyang human rights work.

Abril taong 2018, isinapubliko raw sa isang poster ang kanyang litrato't pangalan, kasama ang 60 iba pa, sa mga diumano'y komunistang personahe.

Kasama ni Patigas sa nasabing poster si Benjamin Ramos, abogado ng mga naulila ng Sagay massacre, na siyang pinaslang din noong Nobyembre 2018.

"As we condole with the family and friends of Tay Toto, as we cry with the loss of a good man and a diligent human rights worker, we pay tribute to his valuable contribution to the overall human rights advocacy in the Philippines," dagdag ni Palabay.

Kilala ang grupong Karapatan bilang kritiko ng mga polisiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na sinasabi nilang promotor ng iba't ibang extrajudicial killings sa bansa.

Ngayong Marso naman, napatay sa magkakahiwalay na "police operations" ang 14 magsasaka at lingkod bayan sa Negros Oriental.

"We vow to pursue the struggle for justice and realization of people’s rights amidst tyrants and fascists pervading the country," panapos ni Palabay.

Maliban sa mahigit limang libo na napatay mga operasyon sa madugong "War on Drugs" ni Duterte, kasama ang kaso ni Patigas sa mga sinasabing politically motivated EJKs.

Matatandaang binawin ng Pilipinas ang pag-ratipika ng Rome Statute, ang tratadong lumikha sa International Criminal Court na nag-iimbestiga at lumilitis sa mga indibidwal na inirereklamo para sa genocide, war crimes, crimes against humanity at crime of aggression.

Death treats sa Karapatan

Ilang oras matapos mapatay ni Patigas, nakatanggap naman daw ng banta sa buhay si Palabay sa pamamagitan ng text message, kahapon.

"Condolences: Nag-umpisa na kami, ang priority namin ay ikaw, si Clarissa, Roque, Nolie, Rey, Aldren, Patigas, Cristian, Dolly, at si Alyas Tatay Ogie na makikita sa Silay at sa Libertad. Itong lahat ang priority namin na tapusin ngayon taon," sabi ng text.

Sinubukan naman daw ng Karapatan secretary general na tawagan ang nasabing numero ngunit walang sumasagot.

"Whether this message was really meant for me or not, this is an example of how vilification, redtagging, terrorist-labelling and other forms of smear campaigns precede graver forms of rights violations against human rights defenders whose names were cited like Tay Toto Patigas."

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HUMAN RIGHTS

KARAPATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with