^

Bansa

Mahigit 400 aftershocks naitala matapos ang lindol sa Luzon

James Relativo - Philstar.com
Mahigit 400 aftershocks naitala matapos ang lindol sa Luzon
Kuha ng gumuhong gusali sa Porac, Pampanga.
Release/OCD Region 3

MANILA, Philippines (2nd update, 11:36 a.m.) — Daan-daan na ang aftershocks na naitala magmula nang yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon, Lunes ng hapon.

Sa panayam ng Philstar.com, sinabi ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology na umabot na sa 447 ang nai-record na aftershocks magmula pa kahapon.

Walo sa mga ito ang nadama habang 63 rito ang "plotted."

Ayon sa PHIVOLCS, magpapatuloy ang mga aftershocks sa mga susunod na buwan at susubaybayan ang aftermath nito sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan.

Hindi bababa sa 11 na ang patay sa aftermath ng earthquake, na inaasahan pa namang tumaas.

Ang 5:11 p.m. na lindol nitong Lunes, na may epicenter 18 kilometro hilagangsilangan ng Castillejos, Zambales, ay unang ibinalita bilang magnitude 5.7 ng PHIVOLCS.

Kagabi, isinailalim na ang Porac, Pampanga sa state of calamity.

Ayon kay RJ Mago, hepe ng public affairs office ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, apat ang kumpirmadong patay habang pito ang survivors sa gumuhong gusali sa Porac ngayong umaga.

"[W]e are praying na mas madami ang buhay na makuha," sabi ni Mago sa mga reporter.

Inirekomenda na rin ni Pampanga Gov. Lilia Pineda na maideklara na ang state of calamity sa buong probinsya ng Pampanga.

"Nagrekomenda na ako na mag-declare ng state of calamity. Kailangan nito 'yung support sa mga casualties," sabi ni Pineda sa panayam ng ANC "Headstart."

Nasa loob ng "Ring of Fire" ang Pilipinas, isang lugar sa paligid ng Pacific Ocean kung saan maraming nangyayaring lindol at pagsabog ng mga bulkan.

Umaabot sa 90% ng lindol sa buong mundo nangyayari sa naturang lugar. – Ian Nicolas Cigaral

EARTHQUAKE

LUZON

NDRRMC

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with