6.1 magnitude na lindol naitala sa Zambales; Pagyanig dama sa NCR

Pinsalang tinamo ng Clark International Airport sa Pampanga bunsod ng magnitude 6.1 na lindol.
Twitter/Lance Lauren

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon, 5:11 p.m. ng hapon, Lunes.

Itinaas ito mula sa naunang ibinalitang 5.7 magnitude na lindol na nagmula sa Castillejos, Zambales.

Nasa tatlo na ang napabalitang patay matapos maipit ng pader sa San Fernando, Pampanga sabi ni Gov. Lilia Pineda, ayon sa ulat ng The STAR.

Sa inisyal na ulat, kinukumpirma pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang ulat tungkol sa diumano'y limang casualty.

Narito ang iba't ibang naitalang intensity:

Intensity V

  • San Felipe, Zambales

  • Malolos at Obando, Bulacan

  • Quezon City

  • Lipa, Batangas

  • City of Manila

  • Abucay, Bataan

  • Valenzuela City

  • Magalang, Pampanga

Intensity IV

  • Pasig City

  • Makati City

  • Caloocan City

  • Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan

  • Floridablanca, Pampanga

  • Villasis, Pangasinan

  • Tagaytay City

  • Villasis, Pangasinan

  • Baguio City

  • Marikina City

  • Las Pinas City

Intensity III

  • Dasmarinas, Indang at Gen. Trias, Cavite

  • Lucban, Quezon

  • Muntinlupa City, Cabanatuan City

  • Palayan City

  • Gapan City

  • Santo Domingo at Talavera, Nueva Ecija

Intensity II

  • Baler, Aurora

Maaaring makita ang pinagkaiba-iba ng mga intensity rito.

Epekto sa iba't ibang lugar

Dali-daling lumabas ng kani-kanilang mga gusali't kabahayan ang mga residente't empleyado sa iba't ibang bahagi ng Luzon matapos ang insidente.

Makikita naman sa litratong ito ang pinsalang tinamo ng Clark International Airport sa Pampanga.

Ang ilang lumikas, sinabing ito na ang pinakamalakas na lindol na naranasan nila.

Patuloy pa rin namang minomonitor ng Philippine Red Cross ang sitwasyon matapos ang nangyari.

Wala munang LRT, MRT

Pansamantala munang itinigil operasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 matapos ang lindol.

Kinumpirma 'yan ni Department of Transportation Assistant Secretary for Communications Goddes Libiran sa isang pahayag kanina.

"Upon NDRRMC’s advice at around 5:42 PM to NOT resume operations, instructions were relayed to LRT-1, LRT-2, and MRT-3 NOT to resume operations until further notice," sabi ni Libiran.

Ganyan din ang sinabi ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority.

"LRT2 will no longer resume operations tonight," sabi ni LRTA Spokesperson Hernando Cabrera.

Aniya, magsasagawa ng mga inspeksyon para siguruhin ang integridad ng struktura ng LRT-2 systems.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng LRT-2 bukas, alas-kwatro y media ng umaga.

Pinayuhan naman ng pamunuan ng LRT-1 ang lahat na manatiling kalmado habang bumababa mula sa mga istasyon.

Show comments