PNP: Holy Week ‘generally peaceful’

MANILA, Philippines — Mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Semana Santa o Holy Week sa buong bansa.

Ito ay kahit may ilang insidente ng pagkalunod at vehicular accidents na naitala ang Philippine National Police. 

Ayon kay PNP Spokes­person Bernard Banac, nananatili pa rin sa full alert status ang buong Metro Manila ma­ging ang ilang malalaking siyudad sa bansa partikular ang mga tourists destinations.

Kahapon ay inaasahan na rin ng PNP ang buhos ng mga pasahero pabalik ng Metro Manila.

Kaya muling pinaalalahanan ng PNP ang publiko na maging mai­ngat sa pagbiyahe tiyakin na nasa kondisyon ang makina ng mga sasak­yan, siguraduhin na ang gulong ng sasakyan ay maayos.

Ang mga bibiyahe naman gamit ang mga pier, paliparan at terminals ay bantayan ng maigi ang mga bagahe, tiyaking hawak na ang mga tickets, passports at maging alerto sa mga snatchers.

Ang paalala ng PNP ay bahagi ng kanilang anti-criminality campaign and nationwide security plan na tinawag na “Ligtas SUMVAC 2019” kasama na ang paggunita sa Holy Week. 

Show comments