Comelec sa botante
MANILA, Philippines — Maaga pa lang ay pinapayuhan na ng Commission on Elections ang mga botante na maghanda ng listahan ng mga kandidato na iboboto nila sa araw ng halalan sa susunod na buwan.
Hinikayat kahapon ni Comelec Commissioner Luie Guia ang mga botante na maghanda ng kanilang mga kodigo para pagdating ng eleksyon ay alam na nila kung sinu-sino ang kanilang iboboto.
Sa darating na halalan ay pipili ang mga botante ng 12 senador, isang partylist group, at mga lokal na kandidato tulad ng congressman, governor, vice governor, provincial board member, mayor, vice mayor at councilors.
Ayon kay Guia, kung meron nang nakahandang listahan, mas mabilis makakatapos sa proseso ng botohan ang botante at maiiwasan ang mga accidental marking sa balota.
Ipinaalala pa niya sa mga botante na huwag ilagay sa kanilang mobile phone ang listahan dahil hindi nila magagamit ang gadget sa loob ng voting precinct.