MANILA, Philippines — Sagot ng Ang Probinsyano Party-List ang mga hanapbuhay ng mga taga-Bicol sa oras na maupo sa House of Representatives.
Ito ang paniniguro ng sikat na aktres na si Ryza Cenon nang magtungo ito sa Bicol kamakailan upang ikampanya ang Ang Probinsyano Party-List, ang patuloy na lumalakas na kandidato sa Kamara dahil sa tapat nitong mga programa na nagsusulong sa kapakanan ng mga taga-probinsya.
Ayon kay Ryza, naniniwala siya sa kakayahan ng Ang Probinsyano Party-List na isulong ang mga agenda nito partikular ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga walang trabaho sa mga lalawigan.
Aniya, bukod sa trabaho ay target din ng Ang Probinsyano Party-List ang pagpapalawak ng programang edukasyon sa mga probinsya sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga bagong kalsada na magsisilbing daan patungo sa mga paaralan.
Kampante rin si Cenon sa kapakanan ng mga magsasaka kapag nanalo ang Ang Probinsyano Party-List sa parating na halalan dahil plano nito na palakasin ang agrikultura sa bansa gamit ang mga tulong–pinansyal at makabagong teknolohiya sa pagsasaka.
“Huwag niyo pong kalilimutan, Ang Probinsyano Partylist po, number 54 iboto po natin to, tutulungan po nila tayong lahat,” pahayag ni Cenon sa isang proclamation rally sa Bicol kamakailan.
“Ako po ay isang probinsyana kaya’t naniniwala po ako sa adhikain nila na tutulungan tayo sa edukasyon, sa hanapbuhay at sa agrikultura,” dagdag pa ni Cenon.