MANILA, Philippines — Hindi nakapagtimpi si "Asia's Song Bird" Regine Velasquez sa pahayag ni Department of Foreign Affairs Secterary Teodoro Locsin Jr. patungkol sa diumano'y pagkuha ng Chinese fishermen ng mga taklobo (giant clams) sa Scarborough Shoal.
Sinabi kasi ni Locsin nitong Martes na walang nakikipagdigma para lang sa pagkain, kaiba sa sinabi niya noong hindi siya natatakot makipagdigmaan laban sa Tsina.
I am not going down in history as a clam defender, okay? It's a complaint; we're looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market. https://t.co/dweKIIL5mE
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) April 16, 2019
"These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!" sabi ni Velasquez sa kanyang Tweet, Biyernes ng umaga.
(Sinasakop na ng mga taong ito ang teritoryo natin, hindi lang nila kinukuha ang pagkain natin, sinisira pa nila ang ating karagatan!)
Bagama't ganyan ang sinabi ng kalihim, una nang kinumpirma ni Locsin na naghain na sila ng diplomatic protest laban sa aksyon ng mga Tsinong mangingisda.
Reklamo ng mga Pilipino, nababawasan ang kanilang nahuhuling isda dahil hina-harvest ang giant clams doon.
Pinag-aaralan na raw nila ang ligal na aksyon hinggil dito. Pero wala naman daw siyang planong maging "clam and coral guy."
"Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip," dagdag ng tanyag na mang-aawit.
Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!!
— regine alcasid (@reginevalcasid) April 19, 2019
Depensa naman ni Locsin, hindi raw ito teritoryo ng Pilipinas ngunit exclusive economic zone lamang.
Pinabulaanan din ni Locsin na hinahayaan ng Pilipinas na nakawin ng mga Tsino ang mga taklobo, na pawang mga endangered species.
"We had no idea there were clams there and really I will not let this country go down to war or lose a useful economic partner just over environmental concerns for a world I care nothing about. I care only for my people and country," dagdag niya.
(Hindi namin alam na may mga taklobo doon at hindi ko hahayaan na masadlak sa digmaan o mawalan ng economic partner ang Pilipinas dahil lang sa environmental concerns na wala akong pakialam. Ang iniisip ko lang ay ang taumbayan at ang bansa.)
Ang Scarborough Shoal, na tinatawag ding Panatag Shoal o Bajo de Masinloc, ay matatagpuan 120-nautical miles mula sa probinsya ng Zambales.
Nasa loob ito ng 200-nautical mile exclusive economic zone mula sa pampang ng Pilipinas sa South China Sea, na tinatawag ng gobyerno bilang West Philippine Sea.
Sa kabila nito, hindi naman itinakda ng 2016 arbitral ruling kung anong bansa ang may sovereignty sa lugar. Kinikilala ito bilang "common traditional fishing ground."